Tuwa at galak ang mababakas sa aming mga mukha.Panibagong karanasan para sa tulad naming mga Filipino Nurses ang magtrabaho sa bansang Inglatera,mahirap at malayo sa pamilya subalit kailangang magsakripisyo alang-alang sa mga mahal sa buhay.Matinding adjustments ang ginawa namin lalo na sa komunikasyon at pabago-bagong panahon tulad ng Summer,Autum,Winter at Spring,subalit masaya kami dahil napunta kami sa Hull,di gaano ang yelo kaya okey lang sa amin na di sanay sa ganitong panahon,at higit sa lahat mababait ang mga tao dito,lalung-lalo na ang mga kasama namin sa ospital,hindi naman kami napapabayaan at walang "Racial Descrimination".Sa lugar ding ito namin natagpuan ang bago naming tahanan at kapamilya.Tulad naming debotong katoliko,hindi tayo kuntento kung hindi tayo makapasok sa simbahan.Salamat na lang at mayroon dito na malapit sa lugar na napuntahan namin.Isa ang Saint Wilfrids Catholic Church,na siyang pinupuntahan namin tuwing Linggo.Sa unang araw palang ay nadama na namin ang mainit na pagtanggap sa amin.Salamat sa tulad nina Fr.Peter at Fr.Des at lahat ng mga katolikong nagsisimba dito.Nagiging masaya habang tumatagal kami dito,dahil binibigyan ang mga Filipino ng opurtunidad na makiisa sa banal na misa at iyon ang pinakamahalaga para sa amin.Kaya salamat sa suporta at sa bago naming pamilya.
 
  English Translation